#Personal · Heart

Hey, crush!

Ito lang pinaka matinong kuha ko sa kanya nung tinawag yung pangalan niya para sa award niya. Ehem, Cum Laude lang naman. Ang kauna unahang Cum Laude na BSIE sa PnC. As in, wow! Hindi siya kasama sa initial list ng mga Cum Laudes nung una kasi daw shiftee siya. From ECE to IE. So, nag appeal siya. Naalala ko nga non, nung nitrip kasi ako ng pinsan niya. Nag chat ako sa kanya para mag sorry. Tapos out of nowhere sinabi niya ipagpray ko daw siya. Tinanong ko kung bakit, yun nga daw para ma-aapprove yung appeal niya na makasama sa cum laude. Sabi ko pa nga, sige ipagpepray kita. Pero iclaim mo na kasama ka na sa mga aawardan. And yun nga, kasama siya. At natutuwa ako kasi alam kong sobrang deserve niya yung award. Hindi dahil sa matalino at masipag, kundi dahil sa humility na taglay niya. Itong pictures na ito, sobrang precious. Kasi pagkasabit sa kanya nung medal inalis niya agad tapos sinabit niya sa mama niya bago sila nagpicture. Nakakaproud siya!

Normal na mag-aaral lang ako. Hindi sobrang talino, hindi sobrang sipag. Sapat lang para makasurvive at maprovide lahat ng requirements bilang estudyante, kahit APA or IMRAD format pa yan haha. Wala naman akong dapat ipagmalaki tungkol sa sarili ko kaya sa pagkakataon na ito, gusto kong itestify yung kabutihan ni Lord sa buhay ko at pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung may speech impediment ba ko but I usually stutter and clutter everytime I talk to a large audience, kaya daanin ko na lang sa hindi naman kahabaang post sa fb πŸ™‚

I know that all things work together for good to those who love God (Romans 8:28). True enough, isa ako sa buhay na patotoo kung gaano kabuti si Lord sa mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa Kanya at sa Kanyang kakayahan.

Si Lord yung nagdala sa akin sa PNC para matuto at lumago ako bilang isang indibidwal. Marami mang offer na full scholarship from different universities, si Lord yung gumawa ng paraan para dito ako makapasok at makakilala ng mga mahuhusay na tao na magtuturo sa akin πŸ™‚ I believe si Lord din yung nagdala sa akin nung una sa ECE section papunta sa IE para, in one way or another, makakilala at makatouch ako nang buhay ng mas maraming tao πŸ™‚

Habang tumatagal, lalo kong naeenjoy yung pagiging IE student lalo na sa mga major. Nag-aral akong mabuti pero ni minsan hindi ko nalimutang i-enjoy yung buhay estudyante ko sa loob ng limang taon πŸ˜€ Pumasok sa President’s List, naging iskolar, at β€˜dun ko naramdaman yung patuloy na pag-ibig ni Lord para sa akin.

Nitong 5th year na’ko, pinayuhan ako ng dekano ng CBAA (salamat po ng maramin sir!) na mag-apply bilang Cum Laude. Tagumpay na yung makapagtapos ka ng pag-aaral eh, bonus na lang kung may award πŸ™‚Syempre, gusto ko ring mapasaya yun pamilya ko at maging buhay na patotoo sa kadakilaan ng Diyos.

Nag-apply. Nareject (aaaaw). Nag-appeal πŸ˜€ Wala ako sa unang listahan ng mga awardee pero salamat kay Lord dahil meron mga taong handang makinig at unawain yung sitwasyon ko bilang shiftee. Hindi ko man po kayo ma-isa isa ngunit gusto ko pong magpasalamat sa mga taong nagbigay konsiderasyon para makapasok ako sa listahan ng mga laude.

Sobra sobra yung pagkilos ni Lord sa buhay ko. During kasi nung appeal period, naramdaman kong hindi ako nag-iisa dun sa laban ko. Nung time na yun, ramdam na ramdam ko yung suporta at pagmamahal ng pamilya ko at mga kaibigan ko πŸ™‚ I held on to God’s promise of making everything beautiful in its time. Indeed, this is my time to harvest. Salamat po ng marami, Lord. I am always in love with you, Jesus ❀

Salamat kay Mayor Mel sa pagbibigay halaga sa edukasyon lalo na sa Pamantasan ng Cabuyao. Pasalamat ako kay God kasi naglaan Siya ng pamantasan at ng mga professors na tumulong upang kami ay lumago hindi lang sa school kundi bilang tao na rin. Natuto kaming magplano, magschedule, magmanage ng different resources, magset ng standard, magbigay ng acceptable limit, magresearch, mag-improve, mag-optimize at maging propesyunal.

Salamat din sa mga nakilala ko, at sa mga kaibigan kong naging kasama at katulong ko sa loob ng ilang taon lalo na sa malulupit kong BEASTFRIENDS ❀ (Tkz, Casper, Don Perto at Chin gala na tayo ulit haha), sa walang iwanan na BNTLG ❀ (season 2 na tayo, guys?), at ang cool section ng 5IE-1 ❀ (Pabenchmark mga boss haha). Love you guys hehe πŸ™‚

Salamat rin sa Juan Kabuyaw Movement, PnC Kalikasan, CSG at sa CIESO na tumulong sa akin paano maging isang mabuting lider (sagot: mahirap pero masaya) πŸ˜€ Tuloy lang sa mga nasimulan hehe πŸ™‚

Thankful din po ako dahil lumaki ako sa JIL Church. Tunay na lumago ako spiritually. Salamat po kay Pastor, kay Pastora na naging gabay namin para makilala pa si Lord ng lubusan πŸ™‚

Congrats rin pala kay Ellane! You deserve it, pinsan πŸ™‚ Sa Galang at Bantatua Family, maraming salamat po sa lahat πŸ™‚ Kila Mommy Julie, Daddy Nelson, Riza, at Lhen, salamat po ng maraming marami πŸ™‚ Alam ko po na lagi kayong nandyan lahat para suportahan ako sa lahat ng bagay. Love you all!

Gusto ko rin po i-congrats si Nanay Hilda, Tatay Lando, Kuya Enad, Kuya Ebel, at Kuya Neil dahil para sa inyo po talaga yung parangal na ito πŸ™‚Kasama ko po kayo sa tagumpay na ito. Salamat po sa lahat gayundin kila Ate Jella, Ate Jhed at KC. Ramdam na ramdam ko po yung suporta at pagmamahal ninyong lahat para sa akin. Alam ko pong sobrang proud kayo sa achievements ko. Gusto ko lang po na bumawi talaga sa lahat ng pagod at hirap ninyo πŸ™‚ Hindi ko naramdaman yung pressure bilang estudyante. Salamat po sa lahat ng binigay at tinuro ninyo po sa akin lalo na kung paano mapalapit kay Lord. Salamat po at tinuruan ninyo akong magtithes at magbigay ng offering dahil naniniwala po ako na isa yun sa sikreto ng mapagpalang buhay πŸ˜€ Salamat po kay Lord dahil binigay nila kayo sa akin. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko po kayong lahat ❀

Sa mga nagbabasa po ng post na ito, lalo na kung estudyante pa, maybe you don’t need to study hard, just study well πŸ™‚ Don’t beat yourself up. Have fun πŸ˜€ Mas masarap kasing mag-aral kapag nag-eenjoy ka. β€˜Wag mapressure sa mga gawain. Mahirap naman kasing magexert ng effort na higit pa sa capacity mo. Enjoy every moment ng pagiging estudyante mo.

TANDAAN: minsan lang yan darating sa buhay. Mamimiss mo rin yung maingay na seatmate mo at yung kwento o sermon ng teacher mo. Cherish everything na nangyari sa academic life mo- good or bad man yan. Good kase natuto ka, at yung bad kase mas natuto ka ❀ At syempre, pray. Wala namang imposible kay Lord. Subukan mo rin si Lord sa pagbibigay. No one can outgive God pero nangako Siya e. Handa siyang magbigay ng siksik, liglig at umaapaw na pagpapala as long as makita Niya na sumusunod ka sa will Niya. ALWAYS BE THANKFUL.

Sa mga kapwa ko IE, gustong mag-IE, nililipat sa IE, pinipilit na mag-IE, tuloy lang kayo. β€˜Wag susuko. Jack of all trades, master of ONE- that’s adaptability. Ayan tayo e πŸ™‚ Chill lang. Maraming nakahanda para sa atin sa corporate world πŸ˜‰

Sa mga taga-PNC, gustong mag-aral sa PNC, at napilitan lang na mag-aral sa PNC, mahalin natin yung pamantasan natin πŸ™‚ Wala naman tayo kung wala sila β€˜di ba? Marami mang side comment, alam kong naappreciate ng bawat isa sa atin yun naitulong sa atin ng PNC. Dangal tayo ng bayan e πŸ˜‰

Sa mga kapwa ko magsisipagtapos, congratulations! Good luck sa ating lahat πŸ™‚

Sa lahat, mapagpalang araw po πŸ™‚ God loves you. He will never leave nor forsake you πŸ˜‰

VBGB
Pamantasan ng Cabuyao
BS in Industrial Engineering
Batch 2017
Cum Laude

Congratulations, Engr. Beans!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s