Fan Girl

12th of February 2017 Part 2,

Last year palang nagpepray na ako na sana makapanood ulit ako ng gig ng Silent Sanctuary. Nagkaroon naman sila ng gig malapit lapit sa akin kaso ako naman itong hindi makakarating kaya sobrang naghihinayang ako.

Tapos ayun nga, may nag-tag sa akin sa facebook page nila. Nasa Robinsons Sta. Rosa pala sila sa February 12, 2017. Edi nangontrata na ako ng mga makakasama. Pero kahit naman walang kasama, tutuloy pa rin ako manood. Tapos ayun nga, may activity pala kami sa church namin. Pero dahil mahal ko sila at bihirang makita, tumakas ako. Sorry na nga.

Nanood muna kami ng Spoken Word Poetry ni Maimai Cantillano sa Pavillion. Mga 4:30pm na kami nakaalis doon, eh 5pm yung sa Silent Sanctuary. Tsaka sakto yung oras nila, salang agad sila.

Dumating kami sa place tapos sobrang dami na ng tao. As in, wala na kaming masingitan para makita sila ng maayos. Kahit sa second at third floor, negative din. Walang choice, sumiksik kami sa gilid malapit sa backstage. Kita lang namin yung likod nila, tapos konting singit pa kita na rin yung right side ni Jason. 😍

Kahit na wala na si Chino at may iba na syang kapalit, ang galing galing pa rin nila. Medyo bitin na nga lang ang tugtugan at talagang ramdam mong nag iba ng konti yung tugtugan nila. Pero ang lupit pa rin nila. They are worth the wait.

Tapos bago matapos ang tugtugan nila, may pakulo pala. May ibibigay pala silang roses sa crowd. Aba, kahit artificial lang yun. Feeling mo ikaw na ang pinakamasayang nilalang sa mundo. Ang cute nga ni Jason eh, pumunta muna sa backstage para magsuot ng jacket tsaka nagbigay ng rose. Ang cute niya. Ang cute niyang kiligin. Super! Hindi ko na nakita yung iba eh, kay Jason lang ako nakafocus ang tingin ko. Charot!

Tapos ayun, after nila tumugtog. Nandoon kami sa tapat ng backstage. Habang nagpapalit sila ng damit, nagbabakasakaling makapagpicture. Ang tagal naming naghihintay at nakaabang. Pinapasok nila kasi sa may dressing room yung mga may cds, yung admin ng fan club nila.

Tapos may isang fan doon, lumingon sa amin. May papel kasi akong hawak na may nakasulat na, “Jason, papicture naman.” Ngumiti sya tapos sabi ko ate picturan mo sila. Binigay ko yung phone ng kasama ko na nagbabakasakali rin. Tapos yung papel na hawak ko, pinalitan ko ang nakasulat. “Happy birthday, zelle! πŸ™‚” tapos inabot ko kay ate girl. Nung una nawawalan na ako ng pag-asa kasi ang daming pinapauna eh. Tsaka syempre, pag kaharap mo na sila wala ka ng ibang iisipin basta magkaroon lang kayo ng picture. Ayun, sumisilay na lang ako kay Jason. Tapos pumasok na si ate girl. Paglabas niya, sabi nya nalobat daw yung fone namin kaya hindi na nakapagvideo. Pero nakapag papicture naman kasama nga lang sila. Ugh, hawak niya yung papel ko guys! Okay okay, so paano kumalma?! Ugh! Omg!

JpegJpegJpegJpegJpeg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s