Fan Girl

12th of February 2017 Part 1,

Matagal nang nakaplano na manonood ako ng gig ng Silent Sanctuary whenever I have the chance. I’ve been waiting for them since November 2016. At sobra ko silang namiss, kaya sobrang nag-grab na ako ng chance kahit na may activity sa church namin. (Tumakas ako! Haha). Eh nagkataong may gig din yung isang spoken word artist sa kalapit na mall, so pinuntahan ko na rin namin. Kasama ko nga pala si Jelai at Ate Mina. Haha.

So, ganito yun. We left at 12:30pm para pumunta nang Pavillion since doon magpeperform si Maimai Cantillano – spoken word artist. May ticket daw so we decided na doon nalang kami sa labas nung harang manonood since we need to leave naman for Silent Sanctuary. Nagkataon naman na while we’re waiting eh lumabas sya kasama yung team niya para pumunta sa comfort room. Nung una nga hindi pa kami sigurado kung siya yun, until nilapitan namin. Lucky us, she let us to have a photo with her. Ang liit niya lang pala, haha. But she’s very nice. Nagtethank you rin siya sa mga nagpapicture sa kanya tapos may bow pa. Haha, cute.

The show was a talent showcase. So, it was composed of the local artists from different local talent agencies. Fast forward na kay Maimai, ayun nga. Nagperform siya accompanied with her guitarist na may itsura din. She performed first her hit poetry and the most trending one, “Sa Pagitan Kita Natagpuan“. I’ve read some of the lines of the poem but I haven’t watch any videos of her performing it. At shemaaay, ang sakit sakit! Next, she performed the one that’s in the music video of Ang Dating Tayo by Tj Monterde, “Ang Dating Tayo“. Sabi niya nga, may mga nagmessage sa kanya asking for the complete version of the poem kasi sobrang bitin nga. Pero yun na daw talaga yun. Before niyang iperform yung tula, kinanta niya yung 1st stanza tsaka yung chorus. No offensement, pero mas minahal ko yung version ni Maimai Cantillano. Kahit na crush ko si Tj Monterde, mas naappreciate ko yung kay Maimai. Mas masakit pakinggan kasi babae ang kumanta tapos full of emotions pa, hindi birit tsaka  yung boses niya buong buo. Magaling pala siya kumanta. Yun talaga yung pinakafavorite kong ginawa niya, yung kumanta siya. Haha. Lastly, she performed “Tahanan”, she said it was her second time to perform that poem. Puro nga naman kasi hugot yung mga ginawa niyang tula so why not try a new one, about love. Maganda rin naman.

It was unexpected. Very unexpected. Though, I already planned to watch a gig of Spoken Word Poetry kaya lang hindi ko naman alam kung saan sila matatagpuan. Achievement unlocked!

The next day, she posted a photo of her with my favorite, Juan Miguel Severo. It was her first time seeing him at sabi niya napadaan lang daw si JMS doon sa lugar kung nasaan siya. Hindi nga daw siya prepared that time. Nagcomment nga ako sa photo nila, sana mag collab sila. Nilike ni Maimai. Pero sana mag collab silaaaa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s