Heart · Thought Catalog

Akala ko kasi okay na ako.

Hindi na naalala ang masasakit na nakaraan.

Hindi na umiiyak kasabay ang paglalim ng gabi.

Hindi na nakikita sa panaginip ang iyong mukha.

 

Akala ko tapos na, hindi pa pala.

Dahil heto ka at bumabalik.

Umiiyak at nagmamakaawa.

Sinasambit ang mga salitang,

“Pwede bang ako na lang ulit?”

 

Pero pasensya ka na at ayoko nang maulit.

Ang ikaw, ako, ang dating tayo.

Napagod na ang puso,

nahirapan na ako masyado.

Patawad, pero huwag ka na sana bumalik.

 

‘Wag na nating ulitin ang lahat.

Malaya ka na, palayain mo na rin sana ako.

Kalimutan na natin ang lahat.

Paalam, ikaw na minahal ko nang sobra.

Advertisements
Thought Catalog

100 Words: Entry 05

Nakakapagod. Nakakabingi. Pinipilit mong manatili, ngunit palaging kulang. Lihim na umiiyak dahil sa sakit, sugat at mga salitang “Hindi ka sapat.” Mapapatanong ka na lang kung minsan, “hanggang kailan?” Pakiramdam mo’y hindi mo na kakayanin ang iba pang parating. Hindi mo na kakayanin ang lumuha pang muli, ang magtiis. Naniniwala akong kaya mo pa rin ang lumaban, ang magsimula ulit, ang manatiling nakatindig. Kaya ‘wag kang bibitaw ha, kaya mo yan. Hindi dapat sinusukuan ang mga bagay na pansamantala lamang. Masakit pa sa ngayon, pero lilipas din yan. Palaging may bahaghari pagkalipas ng bagyo. Lilipas din ang sarili mong bagyo.

Thought Catalog

100 Words: Entry 04

Anim na taon, ganyang katagal na panahon ako sayo humahanga. Gumawa ng paraan para mapansin o kaya mabaling sa akin ang iyong tingin, sundan ka kung saan ka pupunta, kilalanin ang mga madalas mong kasama. Masugid mo akong taga-hanga. ‘Di ko akalaing posible palang tumagal ang pagkagusto ko sayo. Salamat sa ligayang dulot mo, sa mga araw na nasasagi ka sa isip ko na nagiging dahilan ng biglang pag-ngiti. Masaya ako dahil ikaw ang may pinakamalaki ang ambag na kilig sa buhay ko. ‘Di ko alam kung kailan kita makikita ulit, pero sana maalala mo pa rin ako. Ingat lagi.

Thought Catalog

Ganito kita kayang mahalin.

Sa mga salita,
Sa mga talata,
Sa tingin,
Sa pagmamasid.

Ganito kita kayang mahalin.

Sa panalangin ko tuwing gabi,
Sa panaginip,
Sa ilusyon,
Sa aking pangarap.

Ganito kita kayang mahalin.

Sa pagpikit ng aking mga mata
kapag may kasama kang iba.
Sa pagbibilang ng taon,
kung hanggang kailan ako aasa.

At hindi mo ako kayang mahalin.

Dahil hindi ako ang laman ng iyong mga salita.
Hindi ako bahagi ng iyong talata.
Hindi ka sa akin nakatingin,
dahil sa iba ka nakamasid.

Hindi mo ako kayang mahalin.

Hindi ako ang laman ng iyong panalangin.
Kahit sa panaginip ay siya pa rin.
Ang ilusyon mo’y kanya pa rin.
At ang mga pangarap mo ay para sa kanya pa rin.

Hindi mo ako kayang mahalin.

Dahil sa kanya nakatuon ang iyong atensyon.
Siya na ayaw mong may kasamang iba.
Siya na kasama mong magbibilang ng mga taon,
kung gaano kayo katagal na magsasama.

Pero ganito kita kayang mahalin.

Sa paalam.
Sa pagbitaw.
Maging masaya ka sana.
Pinapalaya na kita.

Fan Girl

April Gigs.

Spent my April Fool’s Day watching Silent Sanctuary live at Laguna College of Business and Arts. And take note, I was on the stage, on their right. I was breathing the same air as them, we were on the same atmosphere. That was my second time I watched them performing in a school. After I bought the tickets for the gig, I found out that they will also performing in our brgy. for the fiesta. Nagastusan pa ako, kainis! Hahaha. It was on the 5th day of April and hours before ung program, Ate Irizh, an also fan of Silent Sanctuary and Team Jasonatics confirmed she’ll be watching them too. All the way from Las Pinas, we decided to meet up at Jollibee Mamatid. While on our way to the Mamatid Court – the venue, she told me so many stories and experiences about herself watching gigs, how she and Jason knew each other, the news about the whole band and everything that wasn’t that much confidential and were not being noticed by many fans. Mga kwento palang nakakakilig na haha. She told me the reason that she came here were not just only to watch them but to give Jason a shirt designed by herself. Sabi niya pa nga, gusto siguro ni Manong ung design ng shirt (basta an edited photo of Jason) kasi before nung nagpagawa sila ng shirt, tinanong nya si Manong kung anong size nya. Pero di sya sumagot, ngayon sinend muna ni ate Irizh ung design and he said medium kay yun. And it was Kevin – one of the Silent Sanctuary’s staffs, the cool guy who testes first the drums before kuya Allen, went to us para ibigay yung shirt kay Manong. Ganito kasi, they were already at the stage and played their first and second songs. Ate Irizh edited a photo that served as our banner and me pointing to the phone that she was holdinh for us to be noticed by Jason. Luckily, he spotted us and said hi. Then, we tried it again, he noticed us and we said about the shirt. That’s when he told Kevin and he approached us in the middle of the crowd.

Okay, so going back before the program started. Ate Irizh chat Jason if we could see him in private for the shirt and for the picture. (She said she will do her best to have me and Jason in one picture when she knew that ever since I never had a photo with him even though I watched their gigs so many times). I remember myself praying shortly because of our chances, “Lord, isang picture lang. Please.” And yes, Mamu – their road manager I think wasn’t there. (Masungit kasi siya haha that is why some of the fans were afraid of her). While waiting for the program to start, she showed me videos of Jason during gigs, his pictures, she told me who Manong is outside the stage. Nagulat nga ako sa sobrang dami ng revelations pati yung isang video ng gig nila sa Bulacan. Goodness!

We planned how we will able to see Manong personally. She wasn’t expecting the number of people who were there kaya pati siya nag aalala na kung makakapagpapicture pa kami. And we came up to this plan na during their last song, which we thought Ikaw Lamang but it was Bumalik Ka Na Sa’Kin, we’ll take our exit and proceed to their holding area. But because of the number of crowd, nahirapan kami. She was feeling sorry pa nga kasi baka mag fail yung plan namin. We were both worried and excited at the same time.

The whole gig was fun and rad, sobrang powerful! They played: Hiling, Kundiman, Meron Nang Iba, Di Bale Na Lang (solo si Manong 😊) Sayo, Pasensya Ka Na, Sa Piling Mo, Rebound, Shut up and dance with me (chorus) and Bumalik Ka Na Sakin. I wasn’t able to take pictures because I was too busy taking videos. But it was fine, every moment were captured. Still have the same feelings for them as if I am watching them playing for the first time.

After they played, we were patiently waiting for them in their holding area. Like us, there some people who wanted to have picture with them. Even though ate Irizh knew personally their staffs, still we weren’t allowed to enter. And while waiting, I prayed and I believed to what ate said that time, “Tiwala lang, zelle.” We were hoping that Jason was online. He was, but he’s busy kasi ang tagal niya talaga magreply as in. He said, hindi daw nagpapapasok kasi baka pag pumasok kami eh papasok na rin lahat. Waited. Then finally, kuya Anjo, kuya Allen and kuya Kim went out. And we walked with them to the parking area. Ate Irizh had the chance to talked with kuya Dennis (staff) about their Baguio gig on May. And me, watching kuya Anjo na hindi pa nakasakay sa van nila while answering his phonecall. When ate Irizh approached kuya Allen, lumapit na rin ako syempre. He was inside of his car, preparing himself to leave first kasi sa Cavite pa siya. Then he asked, “Saan ‘tong Mabuhay City Main?” (Dahil sa app on his phone). And of course, I had my chance to answer him. Haha! Then he asked, “Paano ako lalabas dito?” I told him the direction and then he said, “Sige, picture na tayo.” We had a picture before he left, yehey! I had the chance to say, “Salamat po. Ingat po kayo pag uwi.” And he answered back. *Kiligs* Pero yun nga, since we were busy talking with kuya Allen. We didn’t notice Manong’s reply on chat. He said, pinapatawag niya daw kami while they were waiting kaso wala daw kami. Huhu, I missed the chance. So we went back and sabi namin sasalubungin na lang namin sila. So, grabe! Ang tagal talaga haha. Ang tagal naming naghihintay, pero worth it naman yon syempre. And then finally, ayan naaa. He’s wearing a Brisom shirt, si Manong. Even though he walked after Sarkie, mas nauna ko pa syang nakita kesa kay Sarkie haha. Then ayun nga, malapit na si Sarkie sa amin when I had the chance to talk with him shortly. As in short lang talaga, I just only said, “Ingat po kayo, salamat po sa inyo.” And nag thank you rin siya with his sweet smile and a cute wave. Sobrang gwapo niya pala sa malapitan.

And there was Jason na hinarang na namin. I hugged him tight the moment na nakalapit kami sa kanya. He’s talking with ate Irizh, but that’s fine. Solve na ako sa 10+ seconds na yakap! I thanked him sa pagpunta nila and I asked for a picture pang graduation gift lang. Pumayag naman siya agad agad kahit na nagmamadali na sila. Nakailan ata akong thank you sa kanya. Paalis na siya pero yung kamay ko naipit sa pagitan ng likod at ng backpack niya, and nahirapan akong alisin yung arm ko. Super babye ako kahit hindi ko na sila nakikita. After their van left, I told ate Irizh, ang bango bango ni Manong and she strongly agree with me.

After that, we went for a store to buy bottled water. And it happens na yung mga staffs ng Silent Sanctuary was there, bought soft drinks while waiting sa isa pa ata nilang gamit na naiwan sa stage. Ate Irizh approached them, and I am waiting for our water. It was just a short moment and before they leave, kuya Pancho gave me a high five. They told us na mag ingat kami pauwi. Mababait pala sila. Nung pasakay na kami ng tricycle, kuya Randy rolled down the window on the passenger’s seat and said, “Oy, ingat kayo. *with a wave*.”

When I got home, I’m still telling ate Irizh how thankful I am for that night, how kilig I was and how happy I am. I remember her words before I sleep that night, “Tiwala lang. Tingin ko naman tanda ka na ni Jason.” Matandain daw kasi si Manong. Literal na matanda na, haha. Charot!

After that I messaged Jason, nag thank you lang naman ako kasi pumayag siya makapagpicture kami. Pang graduation gift na niya sa akin haha. He replied naman, maiksi pero okay na. Kilig pa rin! 😍

And waaaaait, I got a video greeting from him. Ha! Umuunlad talaga ang pagiging fan girl ko. (Thank you ate Rochie and ate Irizh, love you both. See you soon!)

#Personal · Heart

Hey, crush!

Ito lang pinaka matinong kuha ko sa kanya nung tinawag yung pangalan niya para sa award niya. Ehem, Cum Laude lang naman. Ang kauna unahang Cum Laude na BSIE sa PnC. As in, wow! Hindi siya kasama sa initial list ng mga Cum Laudes nung una kasi daw shiftee siya. From ECE to IE. So, nag appeal siya. Naalala ko nga non, nung nitrip kasi ako ng pinsan niya. Nag chat ako sa kanya para mag sorry. Tapos out of nowhere sinabi niya ipagpray ko daw siya. Tinanong ko kung bakit, yun nga daw para ma-aapprove yung appeal niya na makasama sa cum laude. Sabi ko pa nga, sige ipagpepray kita. Pero iclaim mo na kasama ka na sa mga aawardan. And yun nga, kasama siya. At natutuwa ako kasi alam kong sobrang deserve niya yung award. Hindi dahil sa matalino at masipag, kundi dahil sa humility na taglay niya. Itong pictures na ito, sobrang precious. Kasi pagkasabit sa kanya nung medal inalis niya agad tapos sinabit niya sa mama niya bago sila nagpicture. Nakakaproud siya!

Normal na mag-aaral lang ako. Hindi sobrang talino, hindi sobrang sipag. Sapat lang para makasurvive at maprovide lahat ng requirements bilang estudyante, kahit APA or IMRAD format pa yan haha. Wala naman akong dapat ipagmalaki tungkol sa sarili ko kaya sa pagkakataon na ito, gusto kong itestify yung kabutihan ni Lord sa buhay ko at pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung may speech impediment ba ko but I usually stutter and clutter everytime I talk to a large audience, kaya daanin ko na lang sa hindi naman kahabaang post sa fb 🙂

I know that all things work together for good to those who love God (Romans 8:28). True enough, isa ako sa buhay na patotoo kung gaano kabuti si Lord sa mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa Kanya at sa Kanyang kakayahan.

Si Lord yung nagdala sa akin sa PNC para matuto at lumago ako bilang isang indibidwal. Marami mang offer na full scholarship from different universities, si Lord yung gumawa ng paraan para dito ako makapasok at makakilala ng mga mahuhusay na tao na magtuturo sa akin 🙂 I believe si Lord din yung nagdala sa akin nung una sa ECE section papunta sa IE para, in one way or another, makakilala at makatouch ako nang buhay ng mas maraming tao 🙂

Habang tumatagal, lalo kong naeenjoy yung pagiging IE student lalo na sa mga major. Nag-aral akong mabuti pero ni minsan hindi ko nalimutang i-enjoy yung buhay estudyante ko sa loob ng limang taon 😀 Pumasok sa President’s List, naging iskolar, at ‘dun ko naramdaman yung patuloy na pag-ibig ni Lord para sa akin.

Nitong 5th year na’ko, pinayuhan ako ng dekano ng CBAA (salamat po ng maramin sir!) na mag-apply bilang Cum Laude. Tagumpay na yung makapagtapos ka ng pag-aaral eh, bonus na lang kung may award 🙂Syempre, gusto ko ring mapasaya yun pamilya ko at maging buhay na patotoo sa kadakilaan ng Diyos.

Nag-apply. Nareject (aaaaw). Nag-appeal 😀 Wala ako sa unang listahan ng mga awardee pero salamat kay Lord dahil meron mga taong handang makinig at unawain yung sitwasyon ko bilang shiftee. Hindi ko man po kayo ma-isa isa ngunit gusto ko pong magpasalamat sa mga taong nagbigay konsiderasyon para makapasok ako sa listahan ng mga laude.

Sobra sobra yung pagkilos ni Lord sa buhay ko. During kasi nung appeal period, naramdaman kong hindi ako nag-iisa dun sa laban ko. Nung time na yun, ramdam na ramdam ko yung suporta at pagmamahal ng pamilya ko at mga kaibigan ko 🙂 I held on to God’s promise of making everything beautiful in its time. Indeed, this is my time to harvest. Salamat po ng marami, Lord. I am always in love with you, Jesus

Salamat kay Mayor Mel sa pagbibigay halaga sa edukasyon lalo na sa Pamantasan ng Cabuyao. Pasalamat ako kay God kasi naglaan Siya ng pamantasan at ng mga professors na tumulong upang kami ay lumago hindi lang sa school kundi bilang tao na rin. Natuto kaming magplano, magschedule, magmanage ng different resources, magset ng standard, magbigay ng acceptable limit, magresearch, mag-improve, mag-optimize at maging propesyunal.

Salamat din sa mga nakilala ko, at sa mga kaibigan kong naging kasama at katulong ko sa loob ng ilang taon lalo na sa malulupit kong BEASTFRIENDS (Tkz, Casper, Don Perto at Chin gala na tayo ulit haha), sa walang iwanan na BNTLG (season 2 na tayo, guys?), at ang cool section ng 5IE-1 (Pabenchmark mga boss haha). Love you guys hehe 🙂

Salamat rin sa Juan Kabuyaw Movement, PnC Kalikasan, CSG at sa CIESO na tumulong sa akin paano maging isang mabuting lider (sagot: mahirap pero masaya) 😀 Tuloy lang sa mga nasimulan hehe 🙂

Thankful din po ako dahil lumaki ako sa JIL Church. Tunay na lumago ako spiritually. Salamat po kay Pastor, kay Pastora na naging gabay namin para makilala pa si Lord ng lubusan 🙂

Congrats rin pala kay Ellane! You deserve it, pinsan 🙂 Sa Galang at Bantatua Family, maraming salamat po sa lahat 🙂 Kila Mommy Julie, Daddy Nelson, Riza, at Lhen, salamat po ng maraming marami 🙂 Alam ko po na lagi kayong nandyan lahat para suportahan ako sa lahat ng bagay. Love you all!

Gusto ko rin po i-congrats si Nanay Hilda, Tatay Lando, Kuya Enad, Kuya Ebel, at Kuya Neil dahil para sa inyo po talaga yung parangal na ito 🙂Kasama ko po kayo sa tagumpay na ito. Salamat po sa lahat gayundin kila Ate Jella, Ate Jhed at KC. Ramdam na ramdam ko po yung suporta at pagmamahal ninyong lahat para sa akin. Alam ko pong sobrang proud kayo sa achievements ko. Gusto ko lang po na bumawi talaga sa lahat ng pagod at hirap ninyo 🙂 Hindi ko naramdaman yung pressure bilang estudyante. Salamat po sa lahat ng binigay at tinuro ninyo po sa akin lalo na kung paano mapalapit kay Lord. Salamat po at tinuruan ninyo akong magtithes at magbigay ng offering dahil naniniwala po ako na isa yun sa sikreto ng mapagpalang buhay 😀 Salamat po kay Lord dahil binigay nila kayo sa akin. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko po kayong lahat

Sa mga nagbabasa po ng post na ito, lalo na kung estudyante pa, maybe you don’t need to study hard, just study well 🙂 Don’t beat yourself up. Have fun 😀 Mas masarap kasing mag-aral kapag nag-eenjoy ka. ‘Wag mapressure sa mga gawain. Mahirap naman kasing magexert ng effort na higit pa sa capacity mo. Enjoy every moment ng pagiging estudyante mo.

TANDAAN: minsan lang yan darating sa buhay. Mamimiss mo rin yung maingay na seatmate mo at yung kwento o sermon ng teacher mo. Cherish everything na nangyari sa academic life mo- good or bad man yan. Good kase natuto ka, at yung bad kase mas natuto ka At syempre, pray. Wala namang imposible kay Lord. Subukan mo rin si Lord sa pagbibigay. No one can outgive God pero nangako Siya e. Handa siyang magbigay ng siksik, liglig at umaapaw na pagpapala as long as makita Niya na sumusunod ka sa will Niya. ALWAYS BE THANKFUL.

Sa mga kapwa ko IE, gustong mag-IE, nililipat sa IE, pinipilit na mag-IE, tuloy lang kayo. ‘Wag susuko. Jack of all trades, master of ONE- that’s adaptability. Ayan tayo e 🙂 Chill lang. Maraming nakahanda para sa atin sa corporate world 😉

Sa mga taga-PNC, gustong mag-aral sa PNC, at napilitan lang na mag-aral sa PNC, mahalin natin yung pamantasan natin 🙂 Wala naman tayo kung wala sila ‘di ba? Marami mang side comment, alam kong naappreciate ng bawat isa sa atin yun naitulong sa atin ng PNC. Dangal tayo ng bayan e 😉

Sa mga kapwa ko magsisipagtapos, congratulations! Good luck sa ating lahat 🙂

Sa lahat, mapagpalang araw po 🙂 God loves you. He will never leave nor forsake you 😉

VBGB
Pamantasan ng Cabuyao
BS in Industrial Engineering
Batch 2017
Cum Laude

Congratulations, Engr. Beans!

Thought Catalog

100 Words: Entry 03

Minsan parang gusto mo lang ihinto kahit saglit ang pag-ikot ng mundo. Kasi nakakaramdam ka ng pagod. Pagod na magmahal, masaktan, magpatawad, magkunwari. Pagod maging isang anak, kapatid, magulang, kaibigan, o kahit maging isang normal na mamamayan lang. Hindi ako nagrereklamo ha, pero gusto ko lang sabihin na sana maintindihan nila ang nararamdaman ko. Sana maisip nila kung okay lang ba talaga ako, kung kaya ko pa ba. Mahirap kasi lumaban mag-isa. Pero mas mahirap kung yung mga taong pinagkukunan mo ng lakas ay siya pang nagiging hadlang para di ka makausad sa mga pangarap mo. Nakakapagod ang maging mahina.

Thought Catalog

Minsan nagawi ako sa isang pasugalan,
aking pinanood ang mga taong naroroon.
Inusisa ang kanilang mga ginagawa,
Inisa isa ang bawat mukha.
Nagmatyag ako,
nakinig sa kanilang ingay.
Di ko inaasahang dito ay magulo,
magulo pala ang mundong ito.

Napatanong ako sa isa sa mga nanonood,
“Bakit dito sa lugar na ito, hindi lahat nananalo?”
“Dahil ang mundo ay hindi patas kung maglaro.
Hindi ka mananalo kung hindi ka handang magpatalo.”
Sabi niya.
“Eh kung naririto ka, bakit hindi ka pa tumataya?”
“Dahil ayokong itaya kung ano ang meron ako,
dito larong puno lamang ng pagbabaka-sakali.”


  • – Pagsugal // 25th of March 2017
Uncategorized

100 Words: Entry 02

Nung araw na iyon, bigla siyang nagpakita. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko sya at ako ay lumuluha. Hindi ko alam ang gagawin. Tatayo lang ba o lalapit. Tatawagin niya kaya ako o ako ang tatawag sa pangalan niya. Pinaghalong kaba, saya at takot ang nararamdaman ko. Masaya akong makita siya muli makalipas ang tatlong taong biglaang pag-alis. Labis akong nananabik na makausap siya at malaman ang mga nangyari sa buhay niya. Takot dahil alam kong marami nang nag-iba. Hindi ko lang alam, sa tatlong taon ako pa rin ba ang mahal niya o baka naghintay lang ako sa wala.